Hindi tinanggap ng Department of Education (DepEd) ang panawagan ni Vice President Leni Robredo na magdeklara ng education crisis.
Ito ang sagot ng kagawaran sa bise presidente matapos ilabas ng World Bank (WB) ang report nito ukol sa estado ng pag-aaral ng mga Pilipinong estudyante.
Tanong ni Education Secretary Leonor Briones, saang nanggaling o ano ang pinagbatayan para magkaroon ng ‘krisis’ sa edukasyon.
Sa loob ng 123 taon mula nang itinatag ang kagawaran, sinabi ni Briones na hindi tama na isisi sa kasalukuyang administrasyon ang mga naipong problema sa sektor ng edukasyon.
Punto pa ng kalihim, ang Pilipinas ay may utang na $1 billion para pondohan ang education system.
Dagdag pa ni Briones, na ang Duterte Administration ay sumali sa Program for International Student Assessment (PISA) noong 2018.
Ang PISA ay dating ginagamit ng World Bank bilang basehan ng kanilang assessment sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas.