Suhulan sa Customs, aabot ng 270 million kada araw

Manila, Philippines – Aabot sa 270 million pesos kada-araw ang suhol na ibinibigay sa mga taga Bureau of Customs.

Ayon kay Deputy Speaker Miro Quimbo, hindi bababa sa 270 million pesos ang suhol na natatanggap ng mga taga-BOC sa isang araw pa lamang sa sampung libong average container na tsinetsek ng ahensya.

Sinabing naman ni Quirino Rep. Dakila Cua, inamin ni Customs Broker Mark Taguba na nagbibigay siya ng P27,000 bribe money sa mga opisyal ng customs.


Si taguba rin ang nag-broker ng shipment ng P6.4-billion shabu shipment mula sa China na nasamsam sa Valenzuela City noong Mayo.

Gayunman, hindi pa aniya nagbanggit ni Taguba ang mga pangalan ng mga tumanggap ng payola mula sa kanya.

Facebook Comments