Suhulan sa loob ng Bilibid, talamak pa rin – ayon sa BuCor

135

Patuloy ang panunuhol ng mga High Profile Inmate sa mga Jail Officer ng New Bilibid Prisons (NBP).

Ito’y sa kabila ng pagbabago ng liderato ng Bureau of Corrections (BuCor).


Ayon kay BuCor Director General Gerald Bantag, ang mga drug lord sa loob ng National Penitentiary ay tina-target na suhulan ang kanyang mga tauhan.

Aniya, wala nang lumalapit sa kanya para manuhol.

Babala ng BuCor Chief, kakasuhan ng kriminal at administratibo ang sinumang Bilibid Personnel na tumantanggap ng lagay.

Facebook Comments

From Advertisers