Suhulan sa speakership race, tumaas sa P7 million

Ibinunyag ni Pampanga Rep. Aurelio Gonzales na posibleng umabot sa P7 million ang vote-buying sa bawat kongresista para sa Speakership race.

 

Sinabi ito ni Gonzales bago sumalang sa pulong ng Partylist Coalition ngayong araw.

 

Aniya, lalo pang tataas ang suhol na ibibigay sa ilang mga kongresista kapalit ang kanilang boto para sa susuportahang Speaker.


 

Mababatid na P2 million ang naunang napabalitang suhulan.

 

Iginiit ni Gonzales na hindi dapat ito ginagawa sa Kamara sapagkat sinsisira nito ang imahe ng institusyon.

 

Umapela ang mambabatas na sinumang gumagawa nito ay ihinto na dahil tiyak na  malaki ang pinsalang maiiwan nito.

Facebook Comments