SUICIDE ATTACK | 7, patay sa suicide attack sa Kabul, Afghanistan

Afghanistan – Nasawi ang pitong tao habang nasa 15 ang sugatan matapos ang nangyaring suicide attack malapit sa isang government ministry sa Kabul, Afghanistan.

Ayon kay Ministry of Rural Rehabilitation and Development Spokesperson Fraidoon Azhand, umatake ang suicide bomber sa gate ng kanilang tanggapan.

Tinarget ng suspek ang kanilang mga tauhan na papauwi.


Hindi pa tukoy kung sino ang responsible sa pag-atake.

Ang panibagong atake ay kabilang sa tila walang katapusang serye ng pagpapasabog kung saan target ang mga sibilyan sa Kabul at iba pang lungsod tulad ng Jalalabad.

Facebook Comments