SUICIDE BOMB | 25, patay sa nangyaring pagsabog sa Afghanistan

Afghanistan – Patay ang 25 katao matapos sumabog ang isang suicide bomb malapit sa isang Shi’ite Mosque sa Eastern Afghanistan.

Sa ulat, naganap ang insidente habang nagdadasal ang mga tao sa naturang lugar.

Dahil dito, patuloy ang mga rescue efforts sa paligid ng mosque upang iligtas ang mga sugatan na tinatayang nasa 23 katao.


Sa ngayon, wala pang militanteng grupo na umaako sa nasabing insidente.

Facebook Comments