SUICIDE BOMBING | 31 patay kabilang ang ilang mamamahayag sa serye ng pag-atake sa Afghanistan

Afghanistan – Nasawi ang 31 tao kabilang ang sampung mamamahayag sa serye ng pag-atake sa Afghanistan.

Sa ulat, siyam na journalist ang namatay sa nangyaring dalawang suicide bombings sa Kabul.

Unang pagsabog nangyari malapit sa US Embassy at Afghan Government buildings at nangyari ang ikalawang pagsabog sa insidente nang magpanggap na tv cameraman ang isang suspek.


Sa hiwalay na insidente, isang reporter ang binaril ng isang hindi nakilalang gunmen sa Khost Province.

Inako ng Islamic state ang mga pangyayari.

Facebook Comments