Suicide bombing, sentro na ngayon ng imbestigasyon ng PNP kaugnay sa naganap na kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu

Sulu – Iisang anggulo nalang ngayon ang tinitingnan ng Philippine National Police kaugnay sa naganap na kambal na pagsabog sa Jolo Sulu Cathedral.

Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt. Bernard Banac, ang anggulo ay Suicide Bombing.

Aniya lahat ng mga ebidensya at testimonyang kanilang nakalap ay tumutumbok na sa anggulong suicide bombing ang naganap sa Jolo Catherdral noong Linggo.


Hindi naman matukoy ni Banac ngayon kung gaano katagal ang ginagawang DNA testing ng PNP sa mga labi ng mga masawi.

Mas mabuti aniya sa kasalukuyan ay hintayin ang resulta nito para magkaroon ng matibay na batayan kung talagang suicide bombing ang nangyari sa Jolo, Sulu Cathedral.

Facebook Comments