SUICIDE | Isang inmate na ililipat sana ng piitan sa Sarangani Province, nagpakamatay

Sarangani – Patay na nang makita ang isang bilanggo habang nasa loob ng selda ng Maasim-Municipal Police Station.

Kinilala ang nasabing preso na si Usman Undong Andam, 55-anyos at residente ng Lumatil, Maasim, Sarangani.

Nabatid na ang suspek ang itinuturong nanggahasa sa stepdaughter nito kung saan nananatili ito sa presinto habang hinihintay ang commitment order.


Sinasabing nakatakda sanang dalhin sa Sarangani Provincial Jail ang inmate pero nagulat ang mga otoridad ng makita itong nakabigti gamit ang kanyang malong.

Iniimbestigahan na ng pulisya kung mayroong foul play na nangyari sa insidente.

Facebook Comments