Cainta, Rizal – Hindi na umabot ng buhay sa hospital ang isang lalaki matapos tumalon sa ika-apat na palapag ng Sta. Lucia Mall sa Cainta, Rizal.
Nakilala ang biktima na si Jonille Orona na residente ng Antipolo City.
Sa ulat, nagulat na lamang ang mga tao sa mall sa ginawa ng lalaki kung saan agad silang tumawag ng ambulansiya makaraang makitang gumagalaw ang biktima nang kanila itong lapitan.
Sa pangunang imbestigasyon ng mga pulis, posibleng sinadyang magpakamatay ng biktima dahil nag-iwan ito ng sulat sa bulsa kaugnay sa pagtapos sa kanyang buhay.
Kwento naman ng tatay ng biktimng, humingi ng tawad ang kaniyang anak para sa lahat ng nagawang kasalanan saka nagpa-alam bago ito umalis ng bahay.
Facebook Comments