SUICIDE | Lalaki, patay matapos magbigti sa ikalawang pagkakataon sa Aklan

Aklan – Patay ang isang construction worker matapos magbigti sa ikalawang pagkakataon sa Barangay Lalab, Batan, Aklan.
Kinilala ang nasawi na si Christian Jay Cipriano, 20-anyos na residente ng naturang lugar.
Sa ulat, nakita na lamang ang biktima na nakabigti sa kisame ng kanilang kuwarto gamit ang nylon cord.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na nag-suicide ang biktima kung saan nakaligtas ito sa unang pagtatangka habang nasa bahay ng kanyang ina sa Boracay.

Facebook Comments