
Manila, Philippines – Isang 35-anyos na miyembro ng Batang City Jail (BCJ) ang natagpuang nakabitin sa banyo ng Dormitory 7 sa Manila City Jail sa Sta. Cruz, Manila.
Nakilala ang preso na si Joeylito Mana, na nakulong sa kasong droga at murder.
Sa ulat, naisugod pa ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center subalit idineklara itong dead on arrival.
Nabatid na mas ginustong magbigti ng biktima dahil tila wala na daw pag-asa pa na makalaya siya lalo na at dalawang kaso ang kaniyang kinakaharap.
Patuloy naman iniimbestigahan kung may foul play sa insidente, habang hinihintay ang resulta ng awtopsiya ng labi ng biktima.
Facebook Comments








