SUICIDE | Security guard, patay matapos magbaril sa ulo

Muntinlupa City – Patay ang isang security guard matapos magbaril sa sarili sa Quarry Street, NBP Reservation, Brgy. Poblacion, Muntinlupa City.

Tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng biktima na nakilalang si Reynaldo Arciaga, 25-anyos.

Sa ulat, nakipag-inuman pa ang biktima sa kanyang mga kaibigan at nag-post pa ng status sa Facebook bandang alas-otso kagabi hinggil sa kanyang problema sa pamilya.


Pasado alas-nuebe naman ng nakarinig na lang ng isang putok ng baril ang mga kamag-anak ng biktima at nakita na lang na nakabulagta sa loob ng bahay.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Facebook Comments