Sulfur dioxide na naobserbahan sa Metro Manila, posibleng nagmula sa Bulkang Taal ayon sa PHIVOLCS

Posibleng nagmula sa Bulkang Taal ang sulfur dioxide o aerosol na na-detect dito sa Metro Manila.

Ito ang inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) lalo na’t mataas pa rin ang naitatalang sulfur dioxide emission mula sa bulkan.

Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, kahapon lamang ay umabot sa 7,830 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng Taal.


Kaugnay nito, nagbabala naman ang PHIVOLCS na maaaring magdulot ng pagka-irita ng balat, mata, ilong at lalamunan ang aerosol.

Facebook Comments