Sultan Kudarat PNP muling nakaiskor , 3 katao sangkot sa droga arestado

Dalawamput syam na sachet ng shabu ang nakumpiska sa mag- asawa sa isinagawang operasyon ng Sultan Kudarat PNP pasado alas 8 kagabi sa bahagi ng Brgy. Salimbao .

Sinabing maliban sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot ay ginagawa pang drug den ng mag asawang sina Al-Lavon , 37 anyos at Sharon Macoming ang kanilang mismong tahanan ayon pa kay Sultan Kudarat Municipal Chief of Police Chief Inspector Esmael Madin.

Bagaman nakatakas si Sharon, naaresto naman ang kanyang asawang si Al-lavon at 2 lalaki na kinilalang sina Mark Kanlanda 21, anyos at nagngangalang Mael .


Kasalukuyang nasa lock up cell na ng SK PNP ang mga naaresto habang patuloy na tinutugis si Sharon.

Kaugnay nito patuloy na nagbabala si CINS Madin na walang puwang sa kanilang AOR ang mga nagtutulak at gumagamit ng droga. (DENNIS ARCON)

Facebook Comments