Sultan na nagpakilalang kamag-anak ni Cayamora Maute, may panawagan sa Maute brothers

Manila, Philippines – Kasunod ng pagkamatay ni Cayamora nais ngayon ng isang Sultan ng Bandar Maharlika na makausap ang Maute brothers na nasa Marawi.

Si Sultan Panangan Pangandaman, ang naglibing kay Cayamora Maute sa Himlayang Liwanag ng Kapayapaan sa Norzagaray Bulacan.

Sa panayam ng DZXL 558 RMN Manila, hindi na naitago pa nito ang pagkadismaya matapos maligaw ng landas ang tinuturing na mga apo.


Aniya kung sakali man na makaligtas sina Omar at Abdullah Maute, gusto nya itong makausap.

Bukod kay Isnilon Hapilon, ang Maute brothers ang nangunguna sa giyera sa Marawi kontra sa pamahalaan.

Facebook Comments