Sulu, hindi muna tatanggap ng mga uuwi mula sa Sabah

Inanunsyo ni Sulu governor Abdusakur Tan na hindi mula tatanggap ang kanilang lalawigan ng mga Pilipinong uuwi mula sa Sabah.

Ito ay matapos silang makatanggap ng impormasyon mula sa Ministry of Health na pumasok na sa Malaysia ang bagong variant ng COVID-19.

Ayon kay Tan, agad siyang nakipag-ugayan kay National Task Force Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. para matulungan sila sa mga dapat gawin.


Tiniyak ng gobernador na gagawin nila ang lahat ng pag-iingat.

Facebook Comments