Sulu, isasara na ang kanilang border simula January 4, 2021 dahil sa bagong strain ng COVID-19

Kinumpirma ni Sulu Governor Abdusakur Tan na magpapatupad sila ng lockdown sa buong Sulu pagsapit ng January 4 hanggang January 17, 2021.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Tan na layon nitong hindi makapasok sa kanilang lugar ang panibagong strain ng COVID-19 na una nang nakita sa Sabah, Malaysia na kalapit lamang ng Sulu.

Ayon kay Tan, maaaring palawigin ang lockdown depende sa sitwasyon.


Sakop ng lockdown o hindi papasukin sa Sulu ang mga returning residents, Locally Stranded Individuals (LSI) maging ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Exempted naman ang mga Authorized Person Outside of Residence (APOR) tulad ng uniformed personnel at health workers.

Samantala, nilinaw rin nitong hindi kasama sa hindi papasukin sa border ng Sulu ang mga goods and cargos.

Paliwanag ni Governor Tan, level 1 hospital lamang ang mayroon sila sa Sulu kung kaya’t napakahalaga aniya ng prevention para di kumalat ang virus sa lugar.

Facebook Comments