Dead on the spot si Sulu Provincial Police Director PCol. Michael Bawayan habang nag-iinspeksyon sa isang Quarantine Control Point o QCP sa Sulu.
Batay sa ulat ng nakarating sa Camp Crame, binaril si Bayawan alas 4:15 ngayong hapon sa QCP na nasa Brgy. Asturias sa nabanggit na lungsod.
Ang suspek ay si PSSgt. Imran Jilah na nakatalaga sa Provincial Mobile Force Company, 43 anyos, residente ng Kasalamatan Village Brgy. San Raymundo Jolo Sulu.
Siya ay nasawi rin matapos na gumanti ng putok ang security ni Bawayan.
Si Bawayan ang Director ng PNP-Sulu nang mangyari ang tinaguriang “Jolo misencounter” na ikinasawi ng 4 na mga miyembro ng Intelligence Unit ng Armed Forces of the Philippines.
Facebook Comments