SUMABAK | 66 na police officers, sumabak sa kauna-unahang SWAT training

Maguindanao – Sumabak sa matinding Special Weapon and Tactics o SWAT training ang 66 na police officers sa Regional Special Training Unit ng ARMM sa Parang, Maguindanao.

Ayon kay PNP ARMM Spokesperson Police Senior Inspector Jemar Delos Santos, 45 araw na isinagawa ang training o pagsasanay kung saan sinubukan ang tapang at tibay ng loob ng 66 police officers.

Sa pagsasanay dumaan sa marksmanship, explosives and ordnance handling, mga taktika sa mga close quarter battles ang mga police officers.


Tinuruan rin sila sa hostage negotiation at counter terrorism lalo na sa mga urban areas na pangunahing focus ng SWAT unit para mag-operate.

Sa pagtatapos ng 45 araw na pagsasanay mismong si PNP ARMM Regional Director Police Chief Superintendent Graciano Mijares ang nanguna sa graduation rites.


Facebook Comments