SUMABAK AGAD | Ricci Rivero, sumabak agad sa practice kahit kauuwi lang mula Serbia

127

Manila, Philippines – Kahit kauuwi lang galing Serbia, sumabak agad sa ensayo ng Philippine basketball team si Ricci Rivero.

Si Rivero ang pinakabatang napabilang sa 14-man pool ng national team na sasabak sa Asian Games.


Kabilang din kasi ang 20-anyos na player sa biyahe UP Fighting Maroons sa Serbia para sa kanilang training camp bilang paghahanda sa nalalapit na UAAP Season.

Nakasama niya sa unang araw ng practice sina Gabe Norwood, Maverick Ahanmisi, Chris Tiu, Raymond Almazan, Beua Belga, James Yap, Stanley Pringle, Paul Lee, Don Trollano, Asi Taulava, Kobe Paras at Abu Tratter.

Facebook Comments

From Advertisers