Albay City – Nagdagdag na ng evacuation centers ang Department of Social Welfare and Development matapos na mapabalita na nagsisibalikan ang may sampung libong evacuees.
Ito ay kasubod ng pagkakataas sa Alert Level 4 ng babala at pinalawak pa sa 8 km ang danger zone sa paligid ng Mayon Volcano.
Sinabi ni DSWD Officer-In-Charge Emmanuel Leyco na nagdownload na sila ng dagdag na relief goods at naglipat ng pondo sa probinsya at lokal na munisipalidad sa Albay.
May Quick Response Team na rin aniya sa LGU para regular na mabisita ng social workers ang mga evacuation centers.
Magpapatuloy aniya ang monitoring sa sitwasyon para madetermina ang kagyat na pangangailangan ng mga evacuees.
Facebook Comments