Albay, Philippines – Umabot na sa halos tatlumpu’t anim na libo (36,000) ang bilang ng mga nagsilikas sa Albay dulot ng patuloy na pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Sa pinakahuling tala ng Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa 35,895 na indibidwal o 9, 126 na pamilya ang nasa evacuation centers mula sa iba’t ibang mga bayan.
Pinakaraming bayan na may naitalang bakwit ang Daraga na mayroong na may 8,511, pumangalawa ang Sto. Domingo, sinundan ng Camalig, Guinobatan, Malilipot, Tabaco City at Ligao City.
Patuloy naman na madaragdagan ang bilang ng evacuees ngayong araw habang itinatala pa ang bilang ng mga bakwit sa Legazpi City.
Suspendido na rin ang klase ngayong araw sa maraming lungsod at bayan sa lalawigan ng Albay at Camarines Sur.