SUMABOG NA WATER TANK | 5, sugatan sa Sta. Maria, Bulacan

Sta. Maria, Bulacan – Sugatan ang limang tao matapos sumabog ang isang water tank sa 106 Luwasan St., Brgy. Catmon, Sta. Maria, Bulacan.

Kinilala ang mga biktima na sina John Rinz Barrameda, Domingo Barrameda, Marites Magdalena, John Rey Atol at Sheila Solanoy na kasalukuyang ginagatmo sa Rogaciano Memorial Hospital.

Ayon kay Supt. Carl Omar Fiel ng Sta. Maria Bulacan PNP, isinasailalim sa maintenance ang water tank ng sub-contractor Sapporro Foods Inc., nang biglang sumabog ang tangke na ikinasugat ng limang empleyado ng pabrika.


Iniimbestigahan naman na ng Bulacan PNP ang nangyaring pagsabog habang patuloy na inaayos ang nasabing tangke.

Facebook Comments