SUMABOG | Tatlo, sugatan sa nangyaring pagsabog sa isang simbahan sa Koronadal City

Koronadal City – Sugatan ang tatlong tao matapos pasabugan ng pinaniniwalaang bomba ang entrance ng Christ the King Cathedral sa Rizal Street, Koronadal city.

Ang tatlong naitalang sugatan ay kasalukuyang nasa South Cotabato Provincial Hospital at inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Nabatid pa na may nagaganap na binyagan ng mga oras na iyon nang sumabog ang pinaniniwalaang bomba.


Agad namang rumesponde ang explosive ordinance disposal team ng Philippine National Police (PNP) at kinordon ang area.

Facebook Comments