SUMADSAD | Barge, aksidenteng napadpad sa karagatan ng El Nido, Palawan

El Nido, Palawan – Isang barge na may kargang buhangin ang nabahura sa karagatang sakop ng Barangay Buena Suerte, El Nido, Palawan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine Coast Guard, nagmula sa pantalan ng Zambales ang L-C-T oms 6 na may kargang 1,200 cubic meters na buhangin at dadalhin sa bayan ng El Nido.

Nagkaroon ng steering malfunction ang barge at aksidenteng napadpad ito sa mababaw na parte ng karagatan.


Wala namang naitalang oil spill at nasirang korales at ligtas din ang 15 tripulante nito.

Kailangan namang maipakita ng kapitan ng barge ang kanilang certificate of seaworthiness mula sa maritime industry authority bago payagang maialis ang barge sa lugar.

Facebook Comments