SUMADSAD | CVR ng nagkaaberyang Xiamen plane, nasa Singapore na

Manila, Philippines – Nasa Singapore na ang Cockpit Voice Recorder (CVR) ng eroplano ng Xiamen airlines na nagkaaberya sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong nakaraang linggo.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesperson Eric Apolonio, ipinadala nila ang CVR sa Singapore para ma-decode at malaman ang usapan ng piloto at ang naka-duty sa tower ng NAIA bago at matapos sumadsad ang eroplano.

Aniya, makakatulong ang cockpit voice recorder sa pagsusuri sa kondisyon ng eroplano bago ang insidente.


Sabi pa ni Apolonio, kukuhanan rin ng pahayag ang mga piloto at crew ng eroplano para matukoy kung may “human factor” sa insidente.

Facebook Comments