SUMADSAD | Eroplano ng PAL humarang sa Dumaguete airport runway

Dumaguete, Philippines — Sumadsad ang eroplano ng PAL sa Dumaguete airport makaraang magkaproblema sa gulong pagkatapos nitong mag landing kaninang 6:42 ng umaga.

Kasunod nito, pinababa ang lahat ng mga pasahero ng PAL flight PR2541 mula sa 156-seater airbus A320.

Sa ngayon, nasa ligtas namang sitwasyon ang lahat ng mga pasahero nito.


Ginagawan na rin ng paraan upang mahatak ang naturang aircraft mula sa runway.

Idineklara narin ng CAAP na pansamantalang sarado ang runway ng nasabing paliparan.

Dahil sa nasabing insidente, kanselado ang lahat ng flight patungo at palabas ng Dumaguete ngayong araw.
– 2P 2542 Dumaguete-Manila
– 2P 2545/2546 Manila-Dumaguete-Manila
– 5J 625/626 Manila-Dumaguete-Manila

Facebook Comments