Sumadsad na barko ng Vietnam sa Balabac, Palawan, sinaklolohan ng AFP Western Command

Nagkaloob ang Armed Forces of the Philippines Western Command (AFP WesCom) ng humanitarian assistance sa 17 crew ng Vietnamese cargo vessel  “Dolphin 17” na sumadsad sa Melville, Balabac, Palawan kahapon.

Ang nasabing barko ay nanggaling sa Tacloban City at patungo ng Ho Chi Minh City, Vietnam nang makaranas ng sama ng panahon noong gabi ng Disyembre 21.

Nabatid na umangkla muna ang cargo vessel sa Balabac habang hinihintay ang kanilang sister ship na M/V Victoria 19 para sila ay saklolohan.


Ayon kay AFP WesCom Commander Vice Admiral Alberto Carlos, pinagbigyan ng LMS Melville ang kahilingan ng mga stranded na Vietnamese bilang tulong kung saan binigyan din sila ng medical at immigration assistance sa pamamagitan ng lokal na pamahalaan ng Poblacion, Balabac.

Tiniyak din nitong laging handa ang WesCom na umalalay sa sinumang nangangailangan ng tulong, kasabay ng pagtatanggol ng soberanya ng bansa.

Facebook Comments