Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na negatibo sa oil spill ang sumadsad na M/TUG SEDAR 7 sa Palaui Island, Barangay San Vicente, Santa Ana, Cagayan.
Ito ay base sa initial oil spill assessment na isinagawa ng Marine Environmental Protection (MEP) Force.
Ang tugboat ay sisilong sana nang hampasin ito ng malalakas na alon kaya napadpad sa mababaw na bahagi ng isla.
Nailigtas naman ng PCG team ang 11 crew members at ang kapitan ng tugboat.
Facebook Comments