SUMADSAD | Piloto at kinatawan ng Xiamen airlines, ipinahaharap sa imbestigasyon ng Kamara

Manila, Philippines – Ipapatawag ng Kamara ang piloto at mga kinatawan ng sumadsad na Xiamen airlines sa gagawing imbestigasyon dito ng Mababang Kapulungan sa September 5.

Ayon kay House Committee on Transportation Chairman Cesar Sarmiento, pahaharapin nila sa imbestigasyon ang piloto at ilang opisyal o kinatawan ng Xiamen.

Maliban dito, kukunin din ang resulta ng pagsisiyasat na ginawa ng Department of Transportation (DOTr), Manila International Airport Authority (MIAA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Civil Aeronautics Board (CAB).


Kukunan din ng panig ang mga opisyal ng OWWA, POEA at recruitment agencies para alamin ang kapakanan ng mga na-stranded na OFWs nang tumigil ang operasyon ng NAIA dahil sa overshoot incident.

Layunin ng pagsisiyasat ng Kamara na makabuo ng lehislasyon kaugnay sa nangyaring insidente upang hindi na maulit ang aberya sakaling magkaroon ulit ng overshoot ng eroplano sa NAIA.

Facebook Comments