Manila, Philippines – Sa pag-uumpisa ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Aircraft Accident Investigation Board sa nangyaring pagsadsad ng Xiamen airways sa Ninoy Aquino International Airport runway 06/24.
Lumalabas na ang masamang lagay ng panahon ang pangunahing dahilan kung bakit sumadsad ang nasabing eroplano.
Nagsagawa pa umano ng mis-approach procedure ang piloto ng Xiamen airlines flight MF8667 at nagdesisyong umikot pa ng isang round bago mag-landing.
Sa voice recording naman na nakuha mula sa black box, walang distress call o anumang unusual conversation sa pagitan ng air traffic controller at piloto ng Xiamen kung bakit nito inabort ang kanyang 1st approach procedure.
Sa ngayon hawak na ng CAAP ang nasabing aircraft black box at flight data recorder at nakatakda itong dalhin sa Singapore para sa technical analysis.
Samantala, makikipagpulong ang mga kinatawan ng airlines sa CAAP upang mabatid kung ano ang puno’t dulo ng pagkabalahaw ng kanilang eroplano at nangako ng full cooperation.
Una nang sinabi ng international civil aviation organization na 3 ang nakikita nilang dahilan kung bakit ito nangyari.
Kabilang na dito ang human at machine error gayundin ang masamang lagay ng panahon.