Sumag River Diversion Project, pinatatapos na para matugunan ang krisis sa tubig

Iminungkahi ni House Minority Leader Danilo Suarez na tapusin na ang Sumag River Diversion Project para maibsan na ang problema sa krisis sa tubig.

Ang Sumag River Diversion Project ang siyang magsusuplay ng tubig sa Umiray River papuntang Angat Reservoir para magtuluy-tuloy ang suplay ng tubig ng Maynilad at Manila Water.

Natigil lamang ang pagtatayo ng proyekto sa Quezon bunsod ng nangyaring aksidente noong 2016 kung saan anim ang nasawi.


Sakaling ituloy ngayon ang konstruksyon ng diversion tunnel ay tiyak na matatapos ito bago matapos ang 2019.

Ipinaabot na rin ni Suarez kay House Speaker Gloria Arroyo ang kanyang mungkahing i-lift ang suspensyon ng pagtatayo sa Sumag River project.

Inirekomenda din ng kongresista ang Kanan River Bulk Water na isinusulong ng Energy World Corporation para makapagbigay ng long-term solutions sa kakapusan ng suplay sa tubig na hindi hamak na mas ‘beneficial’ kumpara sa Kaliwa Dam na popondohan mula sa utang sa China.

Facebook Comments