
Nasa 6,515 ang sumailalim sa targeted COVID-19 testing sa lungsod ng Makati.
Kasama sa mga sumailalim sa targeted testing para sa COVID-19 ang mga frontliners, health workers probable patients, at Persons Under Monitoring (PUM) sa Makati Health Department at Ospital ng Makati.
Mula pa noong April 22, 2020 ay nagsimula na sa targeted testing para sa COVID-19 ang mga frontliners at mga may sintomas ng virus na layong matukoy, maihiwalay at mapagamot ang mga may sakit.
Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, mahalaga na mai-test lalo na ang mga frontliners dahil mayroon silang direktang contact sa mga pasyente.
Facebook Comments









