Manila, Philippines – Sumalang sa mandatory drug testing ng Bureau of Jail Management and Penology at Philippine Drug Enforcement Agency ang mga tauhan ng Quezon City Jail at mga inmates.
Ayon kay Quezon City Jail Warden Jail Supt. Emerlito Moral, Ito ay bahagi pa rin ng programa ng BJMP na matiyak na hindi gumagamit ng iligal na droga ang tauhan nito at mga inmates.
Nasa 170 ang mga jail guards ng Qc Jail ang sasailalim sa drug testing at 20 porsiyento namang inmates mula sa kabuuang bilang na 4,572 .
Pagtiyak pa ni Moral kapag napatunayang positibo sa illegal drugs ang ilan sa mga BJMP personnel agad nitong irekomenda ang pagsasampa ng kaso habang isailalim sa rehabilitasyon at imbestigasyon ang mga inmates na magpositibo dito.
Nangako si Moral na gagawin ang drug test sa Qc jail kada anim na buwan.