Manila, Philippines – Kahit maulan, tuloy na inilunsad ng mga Local Government Unit at iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang ika-apat na Metro Manila shake drill na nagsimula ala una kaninang hapon.
Naging sentro ng earthquake drill ang Quezon City, kung saan sa QC City Hall pa lang, mahigit 16,000 mga empleyado na ang nakiisa.
Pagtunog ng earthquake sirens, sabay-sabay na lumabas sa mga gusali ang mga empleyado gayundin ang mga may transakyon sa city hall.
Kabilang sa mga scenario ang pag-rescue sa mga empleyadong na-trap sa loob ng gusali.
Sa Valenzuela City naman, nagkaroon ng simulation ng aksidente sa kalsada at pagsabog ng mga sasakyan.
Sabay-sabay ring nag-“duck, cover and hold” ang mga empleyado ng Manila City Hall, Mandaluyong City Hall, National Youth Commission, CHED, DENR, MMDA at maging ang Malacañang.