SUMBONG BULOK, SUMBONG USOK | Mga sasakyang karag-karag at nagbubuga ng itim na usok, huhulihin!

Manila, Philippines – Matapos ipatupad ang kampanyang “Tanggal Bulok, Tanggal Usok”, isa pang programa ang ilulunsad ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) sa susunod na linggo.

Ayon kay Transportation Usec. Thomas Orbos – ito ay ang “Sumbong Bulok, Sumbong Usok” kung saan pwedeng ireklamo ng publiko ang mga makikita nilang pasaway na Public Utility Vehicles.

Aniya, inaayos na nila ang mga guidelines at protocol para rito.


Target pa rin ng kampanya ang mga sasakyang nagbubuga ng maitim na usok at kakarag-karag.

Maaaring kuhanan ng video o larawan ang mga bulok na puv saka ipadala sa Facebook page ng I-ACT.

Facebook Comments