“Sumbong mo, Aksyon ko,” pangako sa publiko ng bagong PNP Chief Eleazar

“Sumbong mo, Aksyon ko.”

Ito ang binitiwang pangako ng bagong talagang Philippine National Police (PNP) Chief na si Pol. Lt. Gen. Guillermo Eleazar kung saan kanyang siniguro na ang anumang sumbong ng mga mamamayan sa mga pulis ay agarang aaksyunan.

Ginawa ni Eleazar sa kanyang pahayag sa tmPNP Change of Command Ceremony kanina sa Camp Crame.


Ayon kay Eleazar, sa oras na magsumbong ang isang indibidwal sa mga pulis, ito ay ituturing bilang direktang utos mula sa PNP Chief sa lahat ng concerned police units na rumesponde.

Parte aniya ito ng kanyang ilulunsad na “Intensified Cleanliness Policy” sa PNP na kanyang matagumpay na naipatupad sa National Capital Region Police Office (NCRPO) noong panahong siya ang Regional Director.

Sa pamamagitan ng programa, ay titiyakin niyang malinis at kaaya-aya ang lahat ng himpilan ng PNP; scalawag; at mas malinis ang mga komunidad mula sa krimen at terrorismo.

Tiniyak din ni Eleazar na mawawala ang palakasan at padrino system sa PNP.

Samantala, tututukan din ng bagong PNP Chief ang paglaban sa cybercrime dahil sa daming naire-report na naloloko online.

Dahil naman sa nararanasang pandemya, panawagan ni Eleazar sa lahat ng Pilipino na ikonsiderang indibidwal na laban ang paglaban sa COVID-19 kaya dapat maging matured na at huwag nang humantong sa arestuhan.

Pero kung magmamatigas aniya at hindi susunod sa minimum health standard protocols ay kanilang aarestuhin.

Facebook Comments