“Sumbong sa Pangulo” website, hiniling na palawakin para sa ibang proyekto

Hinimok ni Senator Panfilo Lacson ang Malacañang na palawakin pa ang “Sumbong sa Pangulo” website para sa iba pang infrastructure projects.

Sa pamamagitan ng Sumbong sa Pangulo website ay natukoy nga ni Pangulong Bongbong Marcos ang 15 contractors na nakakopo ng 20% sa kabuuang flood control projects na kinukwestyon ngayon.

Malaki aniya ang naitulong nito para ma-track ang mga ghost projects dahilan kaya hindi pa rin nareresolba ngayon ang matinding pagbaha.

Hiniling ng senador na isama na rin sa sumbungan ng pangulo ang iba pang maanomalyang proyektong imprastraktura para masilip na rin ang mga katiwalian.

Napakahalaga aniya ng sumbungan website na ito ng pangulo dahil kapansin-pansin na nagiging inaccessible o hindi mabuksan ang website ng Department of Public Works and Highways (DPWH) tuwing may budget deliberations o mga kontrobersyal tulad ng flood control projects at tingin ng mambabatas ay sinasadya ito.

Facebook Comments