
Umabot na sa higit 12,000 reklamo ang natanggap ng Malacañang mula nang buksan ang “Sumbong sa Pangulo” website.
Dito, direkta nang nakararating kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang hinaing ng taumbayan lalo na laban sa maanomalyang flood control projects.
Ayon sa Pangulo, hindi lang baha ang isinusumbong sa kaniya kundi pati ang reklamo sa road widening, paving, at iba pang proyektong imprastraktura na umano’y puno ng katiwalian.
Giit ng Palasyo, malinaw na epektibo ang platform dahil nagsisilbi itong tuwirang linya ng komunikasyon ng mamamayan sa Pangulo.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagtanggap ng mga sumbong, na ngayon ay nagiging malaking bahagi ng imbestigasyon laban sa mga anomalya.
Facebook Comments









