Dagsa ngayon ang mga sumbong sa tanggapan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro hinggil sa pagtatapon ng mahigit 50 patay na baboy sa Marikina River.
Kasunod ito ng alok na P200,000 pabuya ng alkalde para sa sinumang makapagtuturo sa mga nasa likod ng insidente.
Laman ng mga text messages na natanggap ng Marikina-LGU ang lugar, petsa at pangalan ng mga nagtapon ng baboy.
Isasailalim naman sa masusing kumpirmasyon ang lahat ng mga sumbong para matukoy kung sino ang karapat-dapat na tumanggap ng pabuya.
Samantala, posible umanong abutin pa ng isang linggo bago mailabas ang resulta ng pagsusuri sa water sample mula sa Marikina River kung ito ba ay kontaminado ng African swine fever (ASF).
Facebook Comments