SUMBUNGAN | PNP-Highway Patrol Group, inilunsad ang kanilang bagong 24/7 hotline

171

Manila, Philippines – Inilunsad na ng Highway Patrol Group ang kanilang 24/7 tetxline 744-44-74 kung saan maaaring isumbong ng publiko ang mga lumalabag sa batas trapiko. Ayon kay HPG Director Chief Superintendent Arnel Escobal, maari ding isumbong sa kanila ang pangongotong sa mga motorista, mga aksidente at krimen. Gayunman, may bayad aniya na piso ang kada-text sa hotline at dapat nakasaad sa kanilang mensahe ang lugar kung saan nangyari ang insidente. Tiniyak naman ng HPG na mayroong nakahandang sumagot sa kanilang hotline at magpadala agad ng tulong.

Facebook Comments