SUMEMPLANG | Motorcycle rider kritikal sa Makati

Makati City – Nasa malubhang kalagayan ngayon ang isang rider matapos sumemplang sa C5 East Rembo, Makati City.

Inabutang nakahandusay sa gilid ng kalsada ang biktima na si Ronnel Trinidad 37-anyos.

Sa initial na imbestigasyon tumilapon si Trinidad matapos mapadaan sa lubak na kalsada.


Agad dinala sa pinakamalapit na hospital ang biktima pero dahil sa laki ng bayarin sa pribadong nilipat siya sa East Avenue Medical Center.

Matindi ang pagkakabagok sa ulo ng nasabing biktima at sinabi ng doctor na makaligtas man ito ay baka hindi na umano magising pa.

Problema ngayon ng asawa ang 1.2 milyong piso na bayarin sa St. Lukes Hospital kung saan huhulugan ng pamilya ng 3,000 piso kada buwan.

Sa ngayon na-ispalto na ang lubak na daan kung saan naaksidente ang biktima.

Facebook Comments