Manila, Philippines – Bukod sa usapin sa maritime security at pagpapalago ng pangangalakal, natalakay din nina Pangulong Rodrigo Duterte at India Prime Minister Narendra Modi ang mas maigting na military cooperation at pagpapalago ng trade and investment ng India at Pilipinas.
Sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, inilatag din ni Pangulong Duterte ang planong pagbili ng gobyerno ng military hardware sa India.
At kasabay nito aniya, nagpahayag ng suporta si Modi sa kontrobersyal na war on drugs ng Duterte administration
Samantala, ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez – sigurado nang mag-uuwi si Pangulong Duterte ng mahigit isa’t kalahating bilyong pisong halaga ng investment pledges mula sa mga negosyanteng Indian.
Naka-sentro ang investment pledges sa larangan ng renewable energy at imprastruktura.
Tuloy din aniya ang usapan para sa mas malakas na pagpasok ng murang gamot mula India.
Si Pangulong Rodrigo Duterte ay nasa India ngayon para dumalo sa ASEAN-India Commemorative Summit.