SUMIKLAB | Residential area sa Tondo, Maynila, nasunog

Manila, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay 118, Tondo, Maynila.

Kasalukuyang nasa ikalawang alarma na ang sunog na nagsimula pasado ala una kaninang hapon.

Sa inisyal na ulat – nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay ni Ricardo Artope.


Kwento ni Artope, natutulog siya sa taas nang gisingin siya ng kanyang mga kapitbahay dahil sa sunog.

Sinubukan pa umano niyang apulahin ang apoy pero masyado na itong malaki kaya lumabas na siya ng kanilang bahay.

Bagamat pabugso-bugso ang ulan, problema pa rin ng mga bumbero at fire volunteers ang malakas na hangin at makipot na kalye sa lugar.

Nagkalat din sa daanan ang mga nagpa-panic na residente na naghahanap ng nawawala nilang kaanak.

Sa ngayon, blanko pa ang mga otoridad sa sanhi ng sunog.

Facebook Comments