Sumitomo-Mitsubishi-TESP consortium, nagsimula na ngayong araw sa paghawak sa maintenance at rehab ng MRT-3

Kasabay sa paggunita sa araw ng paggawa, pinasimulan na ng Sumitomo Corporation, Mitsubishi Heavy Industries at TES Philippines ang rehabilitation and maintenance works sa Metro Rail Transit Line 3 para ibalik sa orihinal na kundisyon ang  railway system .

 

Sa ilalim ng  MRT-3 Rehabilitation Project, hahawakan ng Sumitomo-MHI-TESP pag overhaul ng 72  na Light Rail Vehicles , pagpapalit ng lahat ng  mainline tracks, pag rehabilitate sa power at overhead catenary systems, pag upgrade ng  signaling, communications at CCTV systems, gayundin ang pagsasaayos ng mga  escalators at elevators.

 

Bilang original designer, builder, and maintenance provider ng   MRT-3 sa nakalipas na 12  taon, inaasahan na ipapakita muli ng Sumitomo-MHI-TESP ang track record nito sa  railway engineering, construction, at maintenance,


 

Noong huling bahagi ng -2018, nakapagsagawa na Sumitomo-MHI-TESP ng advance transition works for the rehabilitation project.

 

Apatnaput tatlong araw ang timeline ng proyekto kung saan ang  rehabilitation works ay inaasahang makumpleto sa loob ng   26 na buwan.

Facebook Comments