SUMMARY EXECUTION? | Bangkay na may nakabaon pang martilyo sa noo, natagpuan sa Caloocan

Caloocan City – Isang bangkay ng lalaki pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan sa isang subdivision sa barangay 183 North, Caloocan City.

Nakabalot ng kumot ang bangkay, nakagapos ng masking tape ang mga kamay, may plastic ang ulo, at may nakabaon pang martilyo sa kanyang noo.

Nakasuot ito ng dark green na polo shirt na may halong grey at red at naka-skinny jeans.


Ayon kay Senior Inspector Jerald Rivera, Deputy Commander ng Police Community Precinct-4 ng Caloocan – alas 7:30 kaninang umaga nang makita ng isang motorcycle rider ang bangkay sa gilid ng kalsada.

Tantiya ng otoridad, bandang ala una hanggang alas dos pa ng madaling araw posibleng itinapon ang bangkay.

Wala namang nakakita kung sinong nagtapon ng bangkay habang wala ring CCTV sa lugar.

Nakatakdang isailalim sa autopsy at DNA test ang biktima.

Facebook Comments