SUMMARY EXECUTION? | Pugot na bangkay, natagpuan sa Morong Bataan

Bataan – Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalake ang natagpuan ng mga otoridad nitong Linggo ng umaga sa Brgy. Mabayo, Morong Bataan.

Ayon sa report ng Morong PNP ang natagpuang bangkay ay pugot ang ulo, may suot na jacket na maong, puting short pants, naka sando lamang at nakaposas pa ang mga kamay.

Sa ngayon ay naka lagak ang bangkay sa isang funeral homes sa naturang bayan habang patuloy pang kumakalap ng impormasyon ang mga otoridad para sa pagkakakilanlan na hinihinalang biktima ng summary execution.


Facebook Comments