Isasagawa pa rin ngayong school year 2020-2021 ang summer classes.
Ito ang inanunsyo ng Department of Education (DepEd) matapos ipatupad ang ilang adjustment sa kasalukuyang school year.
Ayon kay DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, ang summer classes ay i-a-adjust din batay sa mga pagbabago sa school calendar.
Ang remedial, advancement o enrichment sessions ay kadalasang isinasagawa para sa mga estudyanteng nangangailangan nito tuwing summer classes.
Batay sa DepEd Order 030 na inisyu noong Oktbure 2020, ang Summer Classes ay magsisimula sa June 14 hanggang July 23, pero inamiyendahan ito sa ilalim ng DepEd Order 012.
Kabilang sa mga adjustments sa school calendar ay ang intervention at remediation activities para sa mga estudyante na magsisimula mula March 1 hanggang 12, In-Service Training sa mga guro sa March 15 hanggang 19.
Ang 3rd Quarter ay magsisimula sa March 22 habang sa May 17 mag-uumpisa ang 4th Quarter period.
Sa ngayon, hindi pa inaanunsyo ng DepEd kung kailan magbubukas ang School Year (SY) 2021-2022.