Summer harvest ng palay sa Luzon, masagana sa kabila ng umiiral na krisis pangkalusugan

Naging maganda at masagana ang ani ng mga magsasaka ngayong dry season sa gitna ng laban sa COVID 19 pandemic.

Umarangkada na ang summer harvest season sa ilang lugar ng Nueva Ecija na kilalang ‘rice granary’ ng Pilipinas.

Ayon sa National Irrigation Administration, bunga ito ng magandang ugnayan at pagtutulungan  ng Ahensiya at ng Irrigators Associations sa pamamalakad sa patubigan.


Kumpara noong nakalipas na taon, naibebenta ng mataas ng mga farmers ang kanilang aning palay.

Karamihan sa ani ay naibebenta nila  sa presyo na  P18.00 kada kilo  kapag sariwa at P21 .00 naman pag tuyo na.

Ilan sa mga lugar na nagpatupad na ng summer harvest ang San Jose City, Llanera, Science City of Muñoz at Talavera sa nasabing lalawigan.

Facebook Comments